Barkadahan na nabuo sa South Korea

Ako po Si Jocelyn Cayanan a.k.a. Joyce at gusto ko lang pong i-share and kuwentong #LegitDabarkads namin. Sila po ang mga Dabarkads ko – Editha, Zelle Mari Cererro, Charito Virtucio, Julieta Borja, Yoly Tam-awen Dimaano, Vangie Alvin Ferma, Fhey Ditan, Editha Evangelista.

Nag-start po ang lahat sa South Korea. Noong 1994 may isang Electronics Company po na nagpadala sa South Korea ng mga trainees na puro girls at isa po ako doon. Pero bago po ang aming barkadahan may mas nauna na po sa aming mga kalalakihang Pinoy na nagtagpo-tagpo rin sa South Korea taong 1991. Kami ay nagkakila-kilala at sa loob ng mahigit isang taon naming pagkakakilala at barkadahan ay nagtuloy-tuloy na po hanggang sa may namuong pag-iibigan.

Ang nangyari po iyong tropang mga boys, tapos kaming mga girls na iisang company lang ay nagkainlove-an at nag umpisa na ang walang hanggang barkadahan.

Kahit magkakaiba kami ng company ay nakaugalian na naming magkita-kita every weekend or tuwing walang work ang bawat isa. Nagtuloy-tuloy na po iyon hanggang ngayon na kami po ay nasa Pilipinas ng lahat, magkukumare at magkukumpareng lahat na rin po kami. Sa awa po ng Diyos until now ay tuloy-tuloy pa rin ang aming barkadahan.

Every year ay mga more than 5 times kaming nagki-kita kitang lahat at gumagala kung saan-saan. Sabi nga nila and “the rest is history.” May mga junakis na rin po kami na halos ipinanganak din sa South Korea at ngayon ay kasama na rin namin sa barkadahan. Sa ngayon po ay almost one year na kaming ‘di nagkikita kita due to pandemic kaya sa social media na lang po ang kumustahan. Sobrang miss na miss na po namin ang aming barkadahan. Dahil medyo magkakalayo kami at hindi pa po masyadong okay ang biyahe ng mga bus sa probinsiya. Kaya wish ko rin pong matapos na ang pandemic upang makabalik na tayong lahat sa normal.

Dabarkads, pwede niyo rin i-share sa amin ang kwento ninyo ng mga #LegitDabarkads sa aming Facebook Page or sa aming email: eatbulaga1979@gmail.com