Christmas Decor na Gawa sa Hanger

Ikinwento ni Dabarkads Precious ang kanilang family bonding tuwing pasko.

Good day Dabarkads ako po si Precious Ann Delos Reyes. Dati po, excited kaming mag-pipinsan sa Christmas dahil lagi po kaming nag-rereunion tuwing pasko, pero nung nagkaroon na po nang sari-sariling buhay at pamilya, nawala na po ang family reunion tuwing pasko. Kaya noong mag-kaanak ako, sabi ko, mag-uumpisa ako ng tradisyon kung saan palalakihin kong na-eexcite ang anak ko sa Pasko.

Nag-search po ako sa tradisyon ng ilang pamilya hanggang makita ko ang tungkol sa Advent Calendar. Sinimulan po namin ‘yan nung 2 years old ang anak ko hanggang ngayong 7 years old na po siya, ginagawa pa rin po namin.

September pa lang, nilu-look forward na niya yung kanyang sariling Christmas countdown, isa po ito sa mga twist na naisip namin para sa countdown, gumawa po kami ng gift tower na bubuksan niya mula December 1 hanggang Christmas. Mga simpleng pagkain at laruan po ang laman niyan. Ibinalot namin sa iba’t-ibang sizes ng box.

Sa mga decorations naman po, di po mahilig ang pamilya namin sa mga gawa ng decorations, ang gusto ng Inay namin, kami ang gagawa ng decorations, last Christmas po, gumawa kami ng malaking Christmas tree at malaking parol na gawa sa mga hanger. Bago naman po magpasko, may kanya-kanyang toka po ang bawat miyembro ng pamilya, ang kapatid at asawa ko po ang nagluluto, ako po ang bahala sa decorations, ang aking Inay ang financier, hehe. Dahil lima lang kami, syempre konti lang din ang handa namin, pero ang mahalaga, sama-sama po kaming buong pamilya.

Merry Christmas Dabarkads! God bless po!