Do The Rave Stomp ’90s – Dennis Bernardino

Hi, Dabarkards! Ako po si Dennis Bernardino dati po akong sumali sa dance contest ng Eat Bulaga ‘yung Do the Rave Stomp sa Mother Ignacia pa po na studio ng Eat Bulaga noon, year 1992 / 1993 po.

Nangingiti po ako kapag naalala ko po yung mga nangyari noon. Siguro masasabi ko po na isa po yung sa mga magandang experience ko na hindi ko makakalimutan. Kapag may dance contest po sa Eat Bulaga, palagi po kaming naka tune-in, tapos mag-uusap na kami kung paano ang sayaw at practice.

Masaya po madami tao sa studio pag sumasayaw kami, feeling sikat kami kasi yung mga na-meet mo sikat, magaling sa sayaw kagaya ng Coolcats, Manoeuvres at UMD.

Siyempre high school lang ako noon, kapag may contest nagpapaalam kami sa school naming. In return binibigyan na lang namin ng pasalubong yung mga teachers namin. Ang mas nakakatuwa pa neto kasi Eat Bulaga madami nanood talaga, halos lahat ng classmates namin pati yung ibang estudyante sa school nakilala kami.

Kapag may contest nga kami nilalagay sa school canteen ‘yung malaking TV para mapanood kami. Tapos pag nanalo parang ang laking achievement, tapos may pambaon na kami, ang saya! Sana nga bumalik na sa ganun ‘yung pwede na madaming tao sa studio.

Sa mga Dabarkads na sumali dati sa mga DANCE CONTESTS ng EAT BULAGA mag-send lang ng inyong mga pictures at kwento sa aming email eatbulaga1979@gmail.com