Eat Bulaga’s Dance Contests noong 90’s, sinalihan ng DJ Cool Guys


My name is Ariel Chio, 44 years old, sumali po ako together with our dance group DJ Cool Guys sa series of Dance Contests ng Eat Bulaga noong 90’s like Dr. Jones, Quit playing games with my heart, Mr. Personality, Electric Avenue etc.

Sobrang sarap sa pakiramdam pag nakakasali kami sa Eat Bulaga Dance Contest. Sikat na sikat kami sa lugar namin at sa Sapang Palay San Jose del Monte Bulacan. During those times, kaliwa’t kanan ang invitations to do an intermission numbers sa halos lahat ng Barangays sa lugar namin.

Malaki rin ang naging tulong ng Eat Bulaga Dance Contests sa financial needs namin dahil sa mga cash prizes but most importantly nabuo ang solid Dabarkads dance groupmates ko ‘til now. I’m currently here in Singapore working in a hotel after I graduated college. To all our Dabarkads, please keep on dancing, stay healthy and happy. God Bless Eat Bulaga.

Sa mga Dabarkads na sumali dati sa mga DANCE CONTEST ng EAT BULAGA, mag-send lang ng inyong mga pictures at kwento sa aming email: eatbulaga1979@gmail.com