General Santos’ Pride – Eyes On Me – Grand Finalist ng DC 2021

Since 2018 pa sumasayaw together ang dance duo na Eyes On Me, hindi lang hiphop ang kaya nilang sayawin dahil palaban din sila pagdating sa contemporary dance.

“Ako po ay part ng special program in the arts for 4 years and nag-workshop din ng ballet and contemporary.” – Kelly

“Trip ko lang pong sumayaw pero nang tumagal nakahiligan at napamahal na sa akin ang pagsasayaw.” – Regina

Naging magkaibigan sila dahil sa sinalihan nilang competition sa school.

“We’ve been competing sa school tapos we’re in the same department kaya kami yung isinasalang kung may contemporary competition.”

“Sa 2 years na nag-compete si Ate Regina ay napanalo nya ito at dahil magaling rin ako, napanalo ko rin ng another 2 years.”

“We are the defending champion for consecutive years.”

Champion sa mga dance competitions sa school ang dance duo na Eyes On Me! Madagdag kaya sa listahan nila ang maging dance champion ng DC2021 Maja On Stage?
BUKAS na ang pinakamainit na dance battle sa DC 2021 Maja On Stage Grand Finals!