Friendship na nabuo noong Mid ’80s

Here is our short Barkada story. Nabuo at naging close ang barkada namin noong 4th year high school Batch ‘86 at St. Mary’s College of Meycauyan Bulacan. We came from different sections pero nagkasundo ang lahat because of New Wave songs ang favorite ng lahat. The boys group name is STYLUZ and the girls naman ay SLYX. We are known to school na mga Fashionista at Party Goers. We usually organized house Party (‘yon ang uso nung mid 80’s).

We usually hang out after school, sa mga bahay ng barkada madalas lagi sa bahay namin. After High school kahit iba’t iba na ang school nung college we still see each other during weekends especially pag may birthday occasions (sa bahay pa rin namin ang celebration). I remember nung pumutok ang Mt. Pinatubo nung 1990 nasa bahay ang barkada kahit may ash fall na sama-sama pa rin. After college meron naging abogado, engineer, pulis at karamihan ay successful na negosyante pero pag nagkita-kita walang pagbabago, ganun pa rin ang samahan. Nang mag ka- pamilya, barkada rin ang naging mga “Ninong at Ninang” ng mga junakis namin. Kahit naging busy ang lahat sa pamilya at kabuhayan, we make sure to keep in touch; support group ba sa isa’t isa. Lalo na nang nauso ang FB, we have our own FB chat group at everyday ang chikahan. At syempre lahat ay SOLID Eat Bulaga Dabarkads din. Pamilya na ang turing namin sa isa’t isa.

36 years of friendship and still getting stronger!

Dabarkads, pwede niyo rin i-share sa amin ang kwento ninyo ng mga #LegitDabarkads sa aming Facebook Page or sa aming email: eatbulaga1979@gmail.com