“Nasa Genes Yan” Gueco Twins – Grand Finalist ng DC 2021

It’s in the genes ang pagiging athlete at dancer ng Gueco Twins. Muling nag-apoy ang passion for dancing ng Gueco Twins simula nang makasali sila sa DC2021!

“Sa Father’s side po namin puro athletes and sa mother’s side mahihilig po sila mag-dance at meron ding professional dancer.”

Matagal na mula noong huling nakapagsayaw ang Gueco Twins. Kaya matagal rin hindi pang-performance level ang kanilang dance moves. Sa DC2021 muling nabuhay ang passion ng twins for dancing at nag-step up rin ang kanilang level pagdating sa pag-perform.

FB: Gueco Twins (facebook.com/guecotwinsofficial)

“Masarap sa feeling yung mag-compete ulit dahil nandoon yung excitement and nare-raise yung bar ng abilities mo.” dagdag nila.

“Since matagal na ring walang basketball league due to pandemic, dito nalabas ulit yung competitiveness namin.” Iba rin ang level ng challenge na hinarap nila sa DC2021.

“Na-challenge talaga kami dito pero gusto namin yun kasi we love challenges… And nagawa namin nang maayos yun kaya kami nandito sa finals and we’re proud of ourselves.”

FB: Gueco Twins (facebook.com/guecotwinsofficial)

“Of course, lahat to, we owe it to the Lord.”

Let’s find out kung ang kanilang in sync moves and competitive spirit ang magpapanalo sa kanila sa final dance battle! This Saturday na yan sa DC2021 Maja On Stage GRAND FINALS!