Ang Kwento ni Dabarkads Darwin

Hi, Dabarkads! Ako po si Darwin Manalo ang nag-iisang lalaki sa barkada – Angiline Reyes, Teresa Salvador, Tiffany Sta. Maria, at Christine Magcawas. Kami ay naging Dabarkads wayback 1998 sa Manuel Roxas High School.

Noong mga panahon na ‘yun puno ng saya, lungkot at drama ang aming barkada hanggang sa nakapagtapos kami. Pagdating namin ng kolehiyo iba-ibang paaralan ang aming pinasukan subalit ‘di doon nagtapos ang aming pagsasamahan nagpatuloy ang minsanang pagkikita na puno ng halakhakan.

Lumipas pa ang mga taon nag-ibang bansa na ang ilan sa barkada at hindi naging dahilan ang milya-milyang layo namin sa isat-isa upang di maalala ang barkada at sa tuwing ako ay nasa Pilipinas siguradong reunion agad ‘di pwede na aalis ako ulit nang hindi ko sila nakikita.

Nung isang taon lang ay nabibiyayaan kami na muling mabuo ang barkada dahil nagkasabay-sabay ang aming mga bakasyon, kaya naman isang masaya at puno ng halakhakan ang aming pagtatagpo kasama ng aming mga kanya-kanyang pamilya.

Bihira man magkita subalit ‘di naman ‘yun naging dahilan upang ‘di pahalagahan ang aming samahan, ito ay isang patunay na kami ay certified dabarkads forever! #LegitDabarkads

Dabarkads, pwede niyo rin i-share sa amin ang kwento ninyo ng mga #LegitDabarkads sa aming Facebook Page or sa aming email: eatbulaga1979@gmail.com