Legit Friendship Since 1979
Nag-umpisa ang #LegitDabarkads friendship namin nung college kami, 1979 – First Year college. Apat kaming magbabarkada – Marie, Nini, Lei at ako. Lagi kaming magkakasama. Tawag na nga sa amin 4 na Maria. Sikreto ng isa sikreto ng lahat pati personal na karanasan pinag-uusapan namin. Hanggang sabay-sabay kaming grumaduate ng college.
1984, dito na unti-unti ng nabawasan ang pagkikita namin. Si Marie ay nag-migrate sa US, nagkaroon na kami ng sari-sarili naming pamilya.
Nawalan kami lahat ng communication, pero salamat sa Facebook. After 30 years (2012), umuwi si Marie at nakita-kita kami. Ganun pa rin ang samahan. Kulitan at tawanan. Parang college days pa rin. Ngayon tuwing uuwi si Marie magkikita-kita kami.
Dabarkads, pwede niyo rin i-share sa amin ang kwento ninyo ng mga #LegitDabarkads sa aming Facebook Page or sa aming email: eatbulaga1979@gmail.com