Meet Leyva’s Dancing Duo – Grand Finalist ng DC 2021

 

FB: Ahlyxon Juanne Grecia Leyva

Kahit na first time nilang sumayaw together kitang-kita pa rin ang swabe at sabay na sabay na galaw ng Leyva’s Dancing Duo from Antipolo City!

9 years nasa dance industry ang Leyva’s Dancing Duo na sina Ian at Alex.

Si Ian ay isang athlete at varsity player bago naging choreographer, dancing from streets to tv and company events. Si Alex naman, dream n’ya noon ang maging ballerina pero hindi nila kaya ang tuition sa ballet classes kaya nauwi sya sa contemporary and jazz na naging forte n’ya sa dancing.

FB: Ahlyxon Juanne Grecia Leyva

“Profession po naming dalawa ang pagsasayaw mula noon hanggang ngayon.” -Ian

First time nila mag-dance together sa dc2021.

“We have different groups kaya hindi din kami nagkakasama…”

“Dito kami nag-start (sumayaw together) sa dc2021 maja on stage so we are happy!”

Ano kayang twist ang idadagdag nila sa final dance challenge? Abangan natin yan sa DC2021: Maja On Stage Grand Finals! Saturday yan, 11:30AM!