Macho Men 2008 – Sergio Giray
Ako po si Sergio Giray sumali po noon sa Macho Men noong 2008 sa group ni Mr. Michael V. bilang mga Tropa ni Bitoy. Sobrang saya ko dahil bata pa lang Eat Bulaga na ang pinapanood namin kaya sobrang saya ko noon nasa studio na ako ng Eat Bulaga.
Na-starstuck ako sa mga Idol ko Tito, Vic and Joey at mga Dabarkads, isa rin si Michael V sa mga idol ko. Hindi man kami nag champion pero higit pa sa panalo ang pakiramdam na maging bahagi ng number #1 noontime show, pakiramdam ko kasama ako sa history ng Eat Bulaga.
Bilang dancer yun ang mataas na nasalihan ko na contest, sa Eat Bulaga pa at nag best talent pa ako. Naikukwento ko na rin sa mga anak ko ang pagsali ko sa Eat Bulaga, yan ang kwentong Dabarkads ko. Solid Eat Bulaga.
Sa mga Dabarkads na sumali dati sa mga DANCE CONTEST ng EAT BULAGA mag send lang ng inyong mga pictures at kwento sa aming email eatbulaga1979@gmail.com