Sugod Bahay Winner Noon, Supervisor Na Ngayon
Masayang Araw Dabarkads! Ako po si James Carl Garrovillo. Nanalo po ako sa EAT BULAGA sa JUAN FOR ALL FOR JUAN noong April 23, 2013. Natapos po ako sa aking pag-aaral noong April 2017 dahil sa premyo na nakuha ko.
Ngayon po may trabaho na rin po bilang isang Section Supervisor. May sariling pamilya na po ako ngayon, dalawa na po ang anak namin ng aking asawa.
Ang napanalunan ko po na motor hanggang ngayon ay buo pa at gumagana pa rin po. Ito po ang gamit ko sa pag pasok ko sa trabaho, almost 8 years na po siya sa akin at okay pa.S alamat po sa inyo malaking tulong ang nabigay niyo po sa akin. Sana po hindi kayo magsawang tumulong sa taong bayan. Nawa’y gabayan kayo ng Diyos sa araw-araw. GODBLESS PO!