Tropikal Depekto Girls at Flip Brothers
Nabuo yung barkada namin noong 2nd year HS kami. Kaming girls, we coined the name Tropikal Depekto after the 90s band Tropical Depressio, kasi sikat sila during that time. The boys naman called their group Flip Brothers.
Typical barkada lang kami then ‘yung hang-out together pero not just in school. Tumatambay rin kami sa mga bahay-bahay ng bawat isa (lalo na kanila Lizelle!) kapag may kailangang gawing projects; mag-rereview for our major exams; kapag manonood ng TGIS; kapag may birthday celebration or kapag trip lang namin.
Sobrang close knitted namin na kahit ‘yung mga magulang namin naging magkakakilala, ‘yung mga kapa-kapatid namin tinatawag kaming ate and kuya. Umabot kami sa level na kapag sinabi namin sa mga magulang namin na kami yung magkakasama, payag na agad sila. Minsan din ipinagpapaalam din namin kami sa mga magulang namin para mapayagan.
Some of us went to the same university, pati course! Some naman, same vicinity pero nakukuha pa rin namin magkita-kita.
Adult life kicked in, dati nasa iisang school lang kami, iisang district, 2 city pero ngayon 4 ang nasa Middle East, 1 sa Canada, 1 sa Singapore, 1 sa Brunei, 1 sa cavite, 1 sa Caloocan, 5 sa paranaque. Pero kahit na magkakalayo kami, tipong years nang hindi nagkikita-kita, kapag nagka-usap kahit sa zoom lang or sa messenger, nandoon pa rin ang solid friendship. Kilala pa rin namin ang bawat isa and alam namin na magkakaibigan pa rin kami.”
May kwento rin ba kayo ng mga Dabarkads ninyo? Post na using #LegitDabarkads or i-email sa amin ang inyong pictures at kwento sa eatbulaga1979@gmail.com